^

PSN Palaro

Panukala sa Kamara nais ihimlay mga 'sports heroes' sa Libingan ng mga Bayani

James Relativo - Philstar.com
Panukala sa Kamara nais ihimlay mga 'sports heroes' sa Libingan ng mga Bayani
The Casket carrying the urn of the late President Fidel V. Ramos is accompanied by military officials during his state funeral at the Libingan ng mga Bayani on Aug. 9.
The STAR/KJ Rosales

MANILA, Philippines — Posibleng Libingan ng mga Bayani ang maging huling hantungan ng mga atletang nagbibigay ng karangalan sa Pilipinas.

Ito'y matapos ihain ng isang kinatawan sa Kamara ang panukalang magbibigay pugay sa mga nabanggit.

Huwebes nang ihain ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang House Bill 3716, sa dahilang nagbibigay sila nang matinding inspirasyon sa publiko na magkamit ng mga kahalintulad na tagumpay sa buhay.

"Sports stars become heroes when they are admired for their  athletic accomplishments. As a society, we yearn to feel a connection to them, bask in their success, and pattern our lives after them," sabi ni Barbers habang kino-quote si Joseph Hastings.

"Filipino sports icons have this amazing, unique way of making a positive impact in our society. They are our source of inspiration and strength in direst situations and serve as good role models, especially to the youth. With their incredible achievements that brought honor to our country, they deserve a spot at the Libingan ng mga Bayani."

Ang mga "sports heroes," ayon sa HB 3716, bilang mga distinguished Filipino athletes na merong "character and integrity" na nakapagrepresenta at nagdala ng dangal sa Pilipinas sa:

  • pagkapanalo ng gintong medalya sa Southeast Asian Games
  • hindi bababa sa silver medal sa anumang Asian Games o Asian Cup
  • hindi bababa sa bronze medal sa Olympic o World Games
  • kampeon mula sa anumang professional sports competition

Sa ngayon kasi, pwede lang ilibing ang mga sumusunod sa naturang lugar:

  • medal of valor awardees
  • presidente o mga commanders-in-chief ng Armed Forces of the Philippines
  • mga bise presidente
  • mga kalihim ng Department of National Defense
  • chief of staff ng AFP
  • mga general o flag officers
  • mga aktibo at retiradong militar
  • mga mahistrado ng Korte Suprema (chief o associate justice)
  • mga mahistrado ng Court of Appeals
  • mga senador at senate president
  • dating AFP members na suli sa Philippine National Police at Philippine Coast Guard
  • government dignitaries, statesmen, national artists atbp. namatay na inaprubahan ng commander-in-chief, Konggreso o Secretary of National Defense
  • dating presidente, bise presidente, secretaries ng National Defense, biyuda/biyudo ng mga dating presidente at chiefs of staff
  • national artists at national scientists

"I hope that it is not too late to honor our sports heroes like Lydia de Vega. This measure is but a token of gratitude that we all enormously owe her and our other unsung sports heroes," panapos ni Barbers.

ATHLETES

LIBINGAN NG MGA BAYANI

SPORTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with