^

PSN Palaro

Chairman Butch, 4 Commissioners nakiisa sa huli nilang PSC flag raising ceremony

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Chairman Butch, 4 Commissioners nakiisa sa huli nilang PSC flag raising ceremony
Si PSC chairman William ‘Butch’ Ramirez (gitna) kasama sina (mula sa ka­liwa) PSC Commissioners Arnold Agustin, Celia Ki-ram, Charles Maxey at Ramon Fernandez at ang PSC Public Communications Office staff.

MANILA, Philippines — Sa huling pagkakataon ay nakiisa si Philippine Sports Commission (PSC) chairman William ‘Butch’ Ramirez sa flag raising ce­remony kahapon sa PSC Office sa Rizal Memorial Sports Complex sa Vito, Cruz, Manila.

Nakasama ni Ramirez sina PSC Commissioners Ra­mon Fernandez, Celia Ki­ram, Charles Maxey at Ar­nold Agustin at ang mga PSC employees.

Handa na sina Ramirez, Fernandez, Kiram, Maxey at Agustin sa paglisan sa kani-kanilang mga opisi­na para sa mga bagong ita­talagang PSC Board ni Pre­sident-elect Bongbong Marcos, Jr.

Sinabi ni Ramirez na uuwi na siya sa kanyang ta­hanan sa Davao City pa­ra makapiling ang pamilya niya.

Payag rin ang 72-anyos na dating varsity coach at athletics director ng Ateneo de Davao na maging advi­ser para sa bagong papasok na PSC chairman.

Ang pagbibigay ng solidong suporta at pagtingin sa mga atleta ang ilan sa mga bagay na dapat isipin ng papalit sa kanya sa sports agency.

“You cannot expect our athletes to perform in the international stage if we don’t take care of them. Mahalin mo sila at mamahalin ka rin nila,” wika ni Ramirez.

“Parang sa eskwelahan, kung mayroong ma­gagaling at mapangalaga na teachers or coaches, nagpo-produce sila ng ma­gagaling na estudyante or in our case, athletes,” dag­dag nito.

Si Ramirez lamang ang tanging chairman na da­lawang beses nailuklok sa PSC top post.

Una ay sa administras­yon ni Pangulong Gloria Ma­capagal-Arroyo noong 2005 hanggang 2009 at ang pangalawa ay sa lide­rato ni Presidente Rodrigo Duterte simula noong 2016.

Sa kanyang pamama­hala sa komisyon ay dalawang beses na hinirang na overall champion ang Pilipi­nas sa Southeast Asian Games.

Nangyari ito nang pa­nga­siwaan ng bansa ang SEA Games noong 2005 at 2019.

Naamit rin ng Pinas ang kauna-unahang Olympic Games gold medal sa pamamagitan ni weightlifter Hidilyn Diaz noong nakaraang taon sa Tokyo, Japan.

Isa lamang si Sama­hang Weight­lfiting ng Pi­li­­pinas (SWP) president Mo­­nico Puen­tevella sa mga bumati kay Ramirez.

“Good job. Thanks for all the support. Or else I wouldn’t be here for my Hall of Fame. Salamat and Godspeed,” ani Puen­te­vel­l­a.

PBA

WILLIAM RAMIREZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with