Pinay spikers nagkaka-chemistry na
MANILA, Philippines — Unti-unti nang nabubuo ang chemistry ng women’s national volleyball team na naghahanda para sa 31st Southeast Asian Games na papalo sa susunod na buwan sa Hanoi, Vietnam.
Sa kanilang ikalawang tuneup game sa Brazil, inilabas ng Pinay spikers ang bagsik nito matapos walisin ang Brazilian squad na Sesi Sorocoba sa bendisyon ng 25-13, 25-19, 25-18, 25-17, 15-9.
Nagpakitang-gilas si outside hitter Ces Molina na kumana ng 20 puntos mula sa 12 attacks, apat na blocks at apat na aces habang kumana naman si middle blocker Jaja Santiago ng 13 puntos kasama ang apat na blocks.
Nagparamdam din si opposite spiker Mylene Paat na may 12 hits.
Ngunit hindi pa tapos ang pagsubok ng national team.
Muli itong sasabak sa matinding pukpukan kontra sa mas malakas na Barueri Volleyball Club na naglalaro sa prestihiyosong Superliga A ng Brazil.
Ang Barueri ang Superliga B champion noong 2017 edisyon ng torneo.
Umaasa si Brazilian mentor Jorge Edson Souza de Brito na makapagbibigay ng magandang laban ang kanyang bataan.
- Latest