^

PSN Palaro

Student-Athletes mag-apply ng NAS scholarship — Bong Go

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hinikayat ni Senator at Senate Committee on Sports chairman Christopher “Bong” Go ang mga aspiring student-athletes na sumali sa ikalawang annual  scho­larship competition na gaganapin ng National Academy of Sports.

Ang NAS Annual Search for Competent, Exceptional, Notable, and Talented Student-Athlete Scholars (NASCENT SAS) ay nilikha upang mag-alok ng mga iskolarsip sa mga talentadong kabataang Pilipinong atleta.

Saklaw ng scholarship ang tuition para sa anim na taong pag-aaral.   Ang mga matagum-pay na aplikante ay makatatanggap din ng buwanang stipend, libreng board at lodging sa NAS Dormitory at access sa specialized sports training sa world-class na pasilidad sa NAS Campus sa New Clark City sa Capas, Tarlac, na kasalukuyang ginagawa at matatapos  sa kalagitnaan ng taong ito.

“Isang karangalan na tumulong sa pagbibigay ng mga pagkakataong ito para sa mga mag-aaral na nagnanais na makamit ang higit pa sa kanilang buhay at tumulong na gumawa ng pagbabago sa pamamagitan ng wastong edukasyon at pagpapaunlad ng palakasan.

SPORT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with