^

PSN Palaro

Girl power sa 2021

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Girl power sa 2021
Hidilyn Diaz.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Maningning ang mga Pinay athletes sa taong 2021.

Hindi matatawaran ang galing at husay ng mga ito upang bigyan ng liwanag ang mga Pilipino sa kabila ng pandemya at ilang kalamidad na dumaan sa Pilipinas.

Nangunguna na sa listahan si Hidilyn Diaz na ibinigay sa Pilipinas ang kauna-unahang gintong medalya sa Olympic Games.

Binuhat ni Diaz ang impresibong 224 kilograms (127 kgs. sa clean and jerk at 97 kgs. sa snatch) para pagreynahan ang women’s 55-kilogram event sa Tokyo Olympics.

Pinataob ni Diaz si world record holder Liao Qiuyun ng China na nagkasya lamang sa pilak na medalya.

Ito ang unang gintong medalya ng Pilipinas sapul nang sumabak ito sa quadrennial meet noong 1924.

Kaya naman walang mapagsidlan ang saya ni Diaz sa karangalang ibinigay nito sa bansa.

“Para sa Pilipinas ang panalong ito. Lahat ng pagsisikap ko sa training sa loob ng mahigit isang dekada nagbunga lahat sobrang worth it,” ani Diaz.

Ariba rin si world champion Nesthy Petecio na nakasikwat naman ng pilak na medalya sa women’s featherweight division ng Tokyo Olympics.

Ngunit hindi naging madali ang tinahak ni Petecio.

Tinalo nito sina Marcelat Mashu Sakobi ng Congo sa first round, world No. 1 Lin Yu-Ting ng Chinese Taipei sa second round, Yeni Arias ng Colombia sa quarterfinals at Testa ng Italy sa semifinals bago yumuko kay Sena Irie ng host Japan via unanimous decision sa finals.

Pasok din sa listahan si Filipino-Japanese Yuka Saso na itinanghal na kampeon sa prestihiyosong US Women’s Open.

Sa edad na 19-anyos, si Saso ang pinakabatang nagkampeon sa torneo para pantayan ang rekord ni Park Im Bee ng South Korea.

Gayunpaman, nagdesisyon si Saso na maging kinatawan ng Japan sa oras na tumuntong ito sa edad na 22.

Naging maganda rin ang takbo ng taong 2021 para kay teen tennis sensation Alex Eala.

Nakopo ni Eala ang kanyang ikalawang Grand Slam title nang pagreyna­han nito ang girls double title sa French Open kasama si Russian partner Oksana Selekhmeteva. 

HIDILYN DIAZ

PINAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with