^

PSN Palaro

Philippine team excited nang makalaban ang mga world-class players

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi na maitago ng mga volleyball players ang excitement partikular na ang mga national team na mabibigyan ng tsansang makalaban ang ilang world-class volleyball superstars sa isang exhibition games sa susunod na taon.

Darating sa Pilipinas ang matitikas na bansa para sa FIVB Volleyball Nations League na idaraos sa Hunyo sa 2022 sa dalawang magkahiwalay na venues — sa Quezon City at Pasay City.

Kaya naman sasamantalahin ng pamunuan ng national team na mabigyan ng pagkakataon ang mga players nito na mahasa ang kanilang husay laban sa mga world-class players.

Dalawang legs ang iho-host ng Pilipinas — isa sa women’s division at isa sa men’s class.

Masisilayan muna ang Women’s FIVB Volleyball Nations League na gaganapin sa Hunyo 14 hanggang 19 sa Pasay City kung saan ang Mall of Asia Arena ang tinatarget na venue.

Aariba sa naturang torneo ang defending champion United States kasama ang Asian powerhouse teams na China, Japan at Thailand gayundin ang Belgium, Poland, Russia at Canada.

vuukle comment

FIVB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with