^

PSN Palaro

FIVB VNL dadayo sa Pinas sa 2022

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muling daragsa ang mga volleyball stars sa bansa sa gaganaping FIVB Volleyball Nations League na idaraos sa Hunyo sa susunod na taon.

Pormal nang inanunsiyo ng FIVB ang mga host countries kung saan kabilang ang Pilipinas.

Dalawang legs ang iho-host ng Pilipinas — isa sa women’s division at isa sa men’s class.

Unang aarangkada ang Women’s FIVB Volleyball Nations League na gaganapin sa Hunyo 14 hanggang 19 sa Quezon City.

Wala pang opisyal na venue sa Quezon City ngunit malaki ang posibilidad na sa Smart Araneta Coliseum ito ganapin.

Darating sa bansa ang defending champion United States kasama ang Asian powerhouse teams na China, Japan at Thailand. Kasama rin sa grupo ang Belgium, Poland, Russia at Canada.

Matapos ang women’s division, sunod na aarangkada ang Men’s FIVB Volleyball Nations League na gaganapin naman sa Hunyo 21 hanggang 26 sa Pasay City.

Wala pa ring pormal na anunsiyo kung saan sa Pasay City subalit ang Mall of Asia Arena ang inaasahang magiging venue ng naturang torneo.

Masisilayan sa aksyon ang powerhouse teams na Russia at Italy kasama ang France, Japan, Argentina, Germany, Slovenia at Netherlands.

Tanging ang top 16 teams lamang ang masisilayan sa aksyon sa FIVB Volleyball Nations League.

vuukle comment

FIVB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with