Kalagayan ni Cabrera tinututukan
MANILA, Philippines — Binabantayan ang kalagayan ni Roider Cabrera ng Terrafirma Dyip matapos mag-collapse sa panalo mg kanilang tropa kontra sa Barangay Ginebra sa second leg ng PBA 3x3 tournament noong Miyerkules ng gabi.
Umaasa ang Terrafirma Dyip management sa mabilis na paggaling ni Cabrera na kasalukuyang tinututukan sa ospital.
Ayon kay Terrafirma board governor Bobby Rosales, nakasuporta ang buong koponan sa hamong ito kay Cabrera.
“The whole Terrafirma Dyip family is full of hope that things would turn out fine for Terrafirma 3x3 player, Roider Cabrera. He is now in the hospital, getting the best medical treatment and care possible,” ani Rosales.
Handa rin ang management na suportahan ang pamilya nito sa mabilisang paggaling ni Cabrera.
Regular na nagbibigay ng medical bulletin ang ospital para mabigyan ng update ang team at ang pamilya nito.
“Terrafirma Dyip management is completely behind his full recovery. Medical bulletins are given directly to his immediate family and we give them the respect and the discretion to whatever they want or may not want to share to the public,” ani Rosales.
Nagpasalamat si Rosales sa lahat ng tumulong at patuloy na nananalangin para sa mabilis na paggaling ni Cabrera.
- Latest