^

PSN Palaro

Mahalagang mga programa isusulong pa ni Mitra

Ni Russel Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ang livelihood prog­rams para sa mga dating atleta at pension naman sa mga retiradong professional boxers.

Ito ay ilan lamang sa mga gustong maisaka­tu­paran ni Games and Amusements Board (GAB) chairman Abraham ‘Baham’ Mitra sa ilalim ng kanyang liderato.

“Sa ngayon po kasi wala tayo niyan. Hindi pa kaya ng budget ng GAB,” wika ni Mitra kahapon sa ‘Usapang Sports’ via Zoom ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS).

“Hopefully, next year. Sabi ko nga po, we don’t need a boxing commission Idagdag ninyo na lang sa GAB iyong pondo, mas marami tayong magagawa,” dagdag nito.

Magdaraos ang GAB ng 3rd Professional Sports Summit via Zoom sa Set­yembre 29 na ayon kay Mitra ay magsisilbi niyang SONA (State of the Nation Address).

“Marami tayong nagawa at naisakatuparan para sa atletang Pinoy at sa professional sports. Sa pagtutulungan po ng ating Board at Division head, nakaagapay tayo sa gitna ng pandemic,” ani Mitra.

Sa nasabing Sports Summit ay inimbitahan ng GAB bilang mga resource speakers sina Sen. Bong Go, Sherwin Gatchalian, Joel Villanueva at Pia Ca­yetano.

Samantala, bumili ang GAB ng hematoma screening test machine para kaagad masuri ang kondis­yon ng mga pro bo­xers at combat sports figh­ters matapos ang kanilang laban.

Mahalagang mga programa isusulong pa ni Mitra

RCadayona

GAB

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with