^

PSN Palaro

'Walang luhaan': Atletang Pinoy na bigo sa Olympics garantisado ang P500k

Philstar.com
'Walang luhaan': Atletang Pinoy na bigo sa Olympics garantisado ang P500k
Litrato ng pole vaulter na si EJ Obiena (kaliwa), skateboarder na si Margielyn Didal (gitna) at gymnast na si Carlos Yulo (kanan)
AFP/Pool/Tobias Schwarz; AFP/Thomas Kienzle; AFP/Jeff Pachoud

MANILA, Philippines — Hindi kailangang malungkot ng mga atletang hindi makapag-uuwi ng medalya ngayong Tokyo Olympics — pati kasi sila, makakukuha ng gantimpala sa kanilang pagkatawan sa Pilipinas sa world stage.

Ang halaga? Mga kalahating milyon lang naman o P500,000.

Manggagaling ang insentibo mula sa Philippine Olympic Committee (POC) at MVP Sports Foundation.

"Everyone on Team Philippines in these 'Golden Olympics' deserves all the praises, and in this case, incentives, they need," ani POC president Bambol Tolentino.

"Qualifying for the Olympics is already that difficult, what more competing in the Games."

Kasama sa mga atletang bigong makasungkit medalya mula sa Olympics ngayong taon sina:

  • Cris Nievarez (rowing), Kurt Barbosa (taekwondo)
  • Margielyn Didal (skateboarding)
  • Jayson Valdez (shooting)
  • Carlos Yulo (gymnastics)
  • Irish Magno (boxing)
  • Kiyomi Watanabe (judo)
  • Elreen Ando (weightlifting)
  • Juvic Pagunsan (golf)
  • EJ Obiena (pole vault), and Kristina Knott (200m dash)
  • Remedy Rule (swimming)
  • Luke Gebbie (swimming)

Hindi bababa sa P35.5 milyon ang pabuyang matatanggap ng gold medalist na si Hidilyn Diaz matapos niyang maging matagumpay sa Olympic weightlifting noong nakaraang linggo. Bukod pa 'yan sa bahay at lupa, sasakyan, libreng gasolina, atbp.

Nasa P17 milyon naman ang iuuwi ng boksingerang si Nesthy Petecio matapos niyang makapagpanalo ng silver medal, maliban pa sa "unli flights," bahay at lupa at condominium.

Garantisado na rin ng medalya ang mga boksingerong Pinoy gaya nina Eumir Marcial at Carlo Paalam, ngunit hindi pa nagtatapos ang kanilang mga laban.

Ilang atleta pa gaya nina Yuka Saso at Bianca Pagdanganan ang patuloy pang nagco-compete para sa Country Golf. — James Relativo at may mga ulat mula kay The STAR/Nelson Beltran

2020 TOKYO OLYMPICS

MEDAL

MVP SPORTS FOUNDATION

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
14 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with