^

PSN Palaro

Magno nirapido ang Kenyan

Nelson Beltran - Pilipino Star Ngayon

Sinundan si petecio sa round-of 16

TOKYO - Binomba ng mga solidong suntok ni Pinay flyweight Irish Magno si Kenyan Christine Ongare para sa isang unanimous decision win papasok sa Round-of-16 ng 32nd Olympiad boxing competition kahapon.

Kalkulado ang mga galaw ni Magno para dominahin si Ongare at makasama sina teammates Nesthy Petecio at Eumir Marcial sa susunod na round.

“Laban lang fight after fight. Focus lang, huwag muna mag-aim high,” sabi ng 29-anyos na tubong Janiuay, Iloilo na si Magno na sasagupa kay Jutamas Jitpong ng Thailand sa Round-of-16.

Nakatakda namang harapin ni Petecio si Lin Yu-ting ng Chinese-Taipei sa Round-of-16 ngayong alas-11 ng umaga  habang bubuksan ni flyweight Carlo Paalam ang kanyang kampanya laban kay Brendan Irvine ng Ireland.

“The road is long and we all need to hope and pray for continued success,” ani Association of Boxing Alliances in the Phi­lippines (ABAP) president Ricky Vargas.

Ang panalo ni Magno ang tumakip sa mga kabiguan nina rower Cris Nievarez sa men’s single sculls at shooter Jayson Valdez sa men’s 10-meter air rifle.

Nahulog ang 21-anyos na si Nievarez sa classifications matapos mabigong mapasama sa top three sa Heat 4 sa quarterfinals sa Sea Forest Waterway.

Tumapos sa pang-lima ang tubong Atimonan, Quezon sa kanyang isinumiteng 7:50.74 kasunod si Iraqi rower Mohammed Al Khafaji.

“At 21 years old, his performance is beyond expectations. It’s commendable. With better, focused training here and abroad, Cris will improve. Great potential for this young man,” ani rowing president Patrick Gregorio.

Pumuwesto naman si Valdez sa ika-44 sa kabuuang 47 shooters.

Nagpaputok si Valdez ng 101.3, 100.5, 101.6, 103.6, 103.5 att 102.1 para sa kabuuang 612.6 na hindi sapat para makapasok siya sa Top Eight sa final.

KENYAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with