^

PSN Palaro

Philippines nasa magandang grupo sa Asian volley

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Philippines nasa magandang grupo sa Asian volley
Sa ginanap sa d­rawing of lots sa Bangkok, Thailand ng Asian Volleyball Confederation (AVC), pasok ang Pinay spikers sa Pool A kasama ang ang Chinese-Taipe, Kazakhs­tan at Uzbekistan.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Nasa paborableng posisyon ang Pilipinas sa group stage ng 21st Asian Senior Women’s Volleyball Championship na idaraos sa Pilipinas sa Agosto 29 hanggang Setyembre 4.

Sa ginanap sa d­rawing of lots sa Bangkok, Thailand ng Asian Volleyball Confederation (AVC), pasok ang Pinay spikers sa Pool A kasama ang ang Chinese-Taipe, Kazakhs­tan at Uzbekistan.

Nasa Pool B naman ang malalakas na kopo­nang Thailand, South Korea, Iran at Australia. Hindi naman masisila­yan sa aksyon ang Japan na nag-withdraw sa edis­yong ito.

Ang dalawang ma­ngu­ngunang koponan sa Asian meet ay mabibiyayaan ng tiket para sa prestihiyosong FIVB Volleyball Women’s World Cham­pionship na gaganapin sa Netherlands at Poland sa susunod na taon.

Kaya naman puspusan na ang training ng na­tional team sa isang bubble setup sa Laoag, Ilocos Norte upang masiguro na handang handa ito para sa torneo.

Inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang hosting ng bansa ng Asian meet sa Clark at Subic.

Mismong si Presidential Spokesperson Harry Roque ang nag-anunsiyo nito.

Nilinaw ni Roque na ka­i­langang ipatupad ang matinding health protocols sa pagdaraos nito lalo pa’t may mga natuklasan nang Delta variant ng coronavirus di­sease (COVID-19) sa bansa.

ASIAN SENIOR WOMEN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with