Lopez inilapit ang Bucks sa NBA Finals
MILWAUKEE — Humataw si center Brook Lopez ng playoff career-high 33 points para sa 123-112 paggupo ng Bucks sa Atlanta Hawks sa Game Five at angkinin ang 3-2 lead sa kanilang Eastern Conference finals duel.
Nag-ambag si Khris Middleton ng 26 points at may 25 at 22 markers sina Jrue Holiday at Bobby Portis, ayon sa pagkakasunod, para sa Milwaukee.
Hindi naglaro si two-time MVP Giannis Antetokounmpo na nagkaroon ng hyperextended knee sa Game Five.
“It was one of the main priorities, just to be aggressive out of the gate, be the aggressor, be more aggressive than they were,” ani Holiday para sa Bucks na huling umabante sa NBA Finals noong 1974 tatlong taon matapos kunin ang nag-iisa nilang NBA crown.
Ipinoste ng Bucks ang 96-78 kalamangan sa pagsisimula ng fourth quarter na hindi na nakayang putulin ng Hawks, naglaro nang wala si injured guard Trae Young.
Binanderahan ni Bogdan Bogdanovic ang Atlanta sa kanyang 28 points. kasunod ang tig-19 markers nina John Collins at Danilo Gallinari.
“They were the more physical, more aggressive team from start to finish tonight,” wika ni Hawks coach Nate McMillan.
Kinuha ng Milwaukee ang 36-22 abante sa first quarter bago nakadikit ang Atlanta sa 59-65 mula sa three-point shot ni Bogdanovic sa pagbubukas ng third period.
- Latest