^

PSN Palaro

Ando tuluy-tuloy ang training para sa 2021 Tokyo Olympics

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Ando tuluy-tuloy ang training para sa 2021 Tokyo Olympics
Elreen Ann Ando
Anthony Wallace/AFP

MANILA, Philippines — Sasabak si national weightlifter Elreen Ann Ando sa kauna-unahan niyang Olympic Games.

At kailangan ng 22-an­yos na Cebuana ng sports psychologists para sa kanyang paghahanda sa nasabing quadrennial event na idaraos sa Tokyo, Japan sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8.

Ito ang ibibigay ng Phi­lippine Sports Commission (PSC) sa kanya bukod pa ang financial support na P268,597.00.

“Kilala naman natin si Elreen na palaban talaga,” wika ni PSC Chief of Staff at national training director Marc Velasco. “Tutulungan natin siya doon sa mental side competing in the Olympics, against the best in the world.”

Sa pamamagitan ng continental quota sa wo­men’s 64-kilogram division ay nabigyan si Ando, ang 2019 Southeast Asian Games silver medalist, ng Olympic ticket.

Sinimulan na ni Ando ang pag-eensayo sa Cebu City kasama sina coaches Gary Hortelano, Chris Bureros at dating Olympian Ramon Solis.

Bumuhat si Ando ng dalawang silver at isang bronze medal sa nakaraang Olympic Qualifying Tournament sa Tashkent, Uzbekistan.

ELREEN ANN ANDO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with