Devance ibinahagi ang COVID-19 experience
MANILA, Philippines — Tahimik na lumaban si Barangay Ginebra forward Joe Devance sa coronavirus disease (COVID-19) na matagumpay nitong nalampasan.
Nakarekober na si Devance sa naturang sakit kaya’t ibinahagi nito ang kanyang pinagdaanan sa kanyang video sa social media kung paano nito napagtagumpayan ang pagsubok.
Halos sumuko na si Devance sa hirap na dinanas nito.
“I didn’t think I was going to make it out alive. I even sent a message to my wife cause I thought I was gonna die,” ani Devance.
Nakasalamuha ni Devance ang isang kaibigan na nag-positibo sa COVID-19.
Agad na nagpa-swab test si Devance kung saan lumabas na positibo rin ito gayundin ang kanyang asawang si Monica.
Ibinahagi ni Devance ang nakapilang gamot at vitamins na iniinom nito gayundin ang steam therapy na nakatulong sa mas mabilis nitong paggaling.
“I’m feeling a lot better, still not 100-percent, still winded, I get tired going up and down the stairs, but I’m feeling a lot better. And I think the worst has passed now,” ani Devance.
Sa kabila ng paggaling, kailangan pa rin ni Devance na mag-quarantine para lubos na maging malakas ang kanyang katawan at makaiwas na muling mahawa ng virus.
- Latest