^

PSN Palaro

Lady Chiefs ipinagpag ang Lady Generals

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon
Lady Chiefs ipinagpag ang Lady Generals
Iniskoran ni Kyra Arellano ng Arellano University si AJ Lepiten ng Emilio Aguinaldo College.
SSL photo

MANILA, Philippines —  Tiwala sa isa’t-isa ang naging susi sa panalo ng Arellano University laban sa Emilio Aguinaldo College, 25-17, 25-16, 25-12 sa 2024 Shakey’s Super League (SSL) Collegiate Pre-season Championship na nilaro sa Rizal Memorial Coliseum sa Vito Cruz kahapon.

“Maganda po ‘yung communication and saya namin sa team. Parang ang gaan ngayon kasi may tiwala kami sa isa’t isa,” wika ni Laika Tudlasan na pinamunuan ang opensa para sa Arellano U sa tinikadang 10 points kasama ang siyam na attacks.

Kumana naman si Ka­celyn Punzalan ng walong puntos at anim naman ang inambag ni Mauie Maga­ling para sa Lady Chiefs na tinapos ang Lady Grenerals sa loob lamang ng isang oras at 26 minuto.

“Grateful po kami kasi preparations po namin sabi ng mga coaches na ngayon na yung test na maa-apply yung pinaghirapan namin for months,” ani Tudlasan.

Nakapuwesto sa tuktok ng Pool A ang Arellano tangan ang 1-0 karta, katabla ang Ateneo de Manila University na namayani sa San Beda University, 22-25, 20-25, 25-21, 25-21, 15-7 noong Sabado ng gabi  sa event na suportado ng Shakey’s Pizza Parlor, GCash, Chery Tiggo, F2 Logistics, Peri-Peri Charcoal Chicken, Potato Corner, R and B Milk Tea at Summit Water.

Nagkumahog sa opensa ang Lady Generals kaya wala sa kanila ang umabot sa 10 pataas ang puntos, anim lang ang iniskor ni Erica Bodonal habang lima ang ambag ni Cara Dayanan.

Tangan ng Lady Gene­rals ang 0-1 card.

SSL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with