^

PSN Palaro

Diaz level-up na ang training

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Diaz level-up na ang training
Hidilyn Diaz
Philstar.com/Efigenio Toledo IV

MANILA, Philippines — Habang papalapit ang 2021 Olympic Games ay mas lalo pang pag-iibayuhin ni national weightlifter Hidilyn Diaz ang kanyang training.

Mula sa anim hanggang walong oras na training sessions kada-linggo ay mas pahahabain pa ito ng 2016 Rio de Janeiro Olympics silver medalist sa walo hanggang 10 oras.

“From six to eight sessions, magiging seven to nine sessions or eight to 10 sessions na,” wika ni Diaz sa isang virtual press conference. “Iyong sets ng training, dadagdagan na.”

Pormal na sinikwat ng tubong Zamboanga City ang tiket para sa 2021 Olympics na gagawin sa Tokyo, Japan sa Hulyo matapos sumali sa nakaraang Asian Weightlifting Championships sa Tashkent, Uzbekistan.

“Last three months na lang ito. Kailangan buhos na,” wika ni Diaz na kasalukuyang nasa training camp sa Kuala Lumpur, Malaysia at planong dumiretso sa Tokyo para sa 2021 Olympics na nakatakda sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8. “Kailangan lang ‘yung intensity ng training, kaila-ngan sigurong dagdagan ng sessions,”

HIDYLYN DIAZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
9 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with