...Magnolia winner sa trade?
MANILA, Philippines — Masaya ang Magnolia sa pagkuha sa isang talentong tulad ni Calvin Abueva.
Kaya naman nang malaman ni Hotshots head coach Chito Victolero ang planong trade, sinunggaban agad ito ng tropa.
“I grabbed the opportunity dahil alam namin kung ano ang kaya niya, kung ano ang maibibigay niya sa team. ‘Yung position niya, ‘yun talaga ang kulang namin,” ani Victolero.
Galing si Abueva sa mahigit isang taong suspensiyon.
Nakabalik ito sa paglalaro noong Oktubre matapos ma-lift ang suspensiyong ipinataw ng liga.
Sa pagbabalik nito, hindi nakitaan ng pangangalawang ang dating San Sebastian College-Recoletos standout.
Nagpasiklab agad ito sa PBA Season 45 Philippine Cup na ginanap sa Clark, Pampanga kung saan nagtala ito ng averages na 15.4 points, 11.3 rebounds, 5.2 assists at 1.7 steals para tulungan ang Fuel Masters na makapasok sa semis.
Dahil sa kanyang impresibong ipinamalas, naging nominado rin ito sa Best Player of the Conference award.
Kaya naman excited na ang Magnolia sa magiging papel ni Abueva sa kanilang koponan sa pagbubukas ng Season 46 sa Abril.
Malaki ang maitutulong nito para punan ang maiiwang puwesto ni Chris Banchero na mayroon ding magandang rekord sa nakalipas na season.
May averages na 10.8 markers, 2.9 boards at 3.5 dimes si Banchero sa 12 paglalaro nito sa Clark bubble.
Tahimik pa ang 33-anyos na si Abueva sa usapin sa trade.
- Latest