World 14.1 Championship kinansela
MANILA, Philippines — Kinansela ng mga organizers ang 80th World 14.1 Championship na nakatakda sanang magsimula ngayong araw (Manila Time) sa Trick Shots Waterford Lakes sa Orlando, Florida.
Ito ay matapos magbanta ang World Pool Billiard Association (WPA) na mapaparusahan ang sinumang players na magpapartisipa sa naturang event.
Walang basbas ng WPA ang edisyon ng World 14.1 Championship kaya’t hindi nito pinahihintulutan ang mga miyembro nito sa lumahok.
“The WPA and its board of directors want to inform you that this 14.1 event is not sanctioned by the WPA and is therefore not an official World Championship. Players competing in this event will have consequences for their upcoming WPA participation,” ayon sa inilabas na statement ng WPA.
Kaya naman walang magawa ang mga organizers ng torneo dahilan para tuluyan nang kanselahin ang 2020 edisyon nito.
- Latest