PSC go signal na lang ng IATF ang hinihintay
Para sa pagbabalik-ensayo ng mga atleta
MANILA, Philippines — Matagal-tagal nang hinihintay ng Philippine Sports Commission (PSC) ang ‘go signal’ mula sa Inter-Agency Task Force (IATF) para sa pagbabalik-ensayo ng mga national athletes.
Bukod dito ay ang planong ‘bubble’ training ng PSC sa Inpsire Sports Academy sa Calamba, Laguna para sa mga atletang naghahangad ng tiket sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan.
“We are in coordination with Inspire that the athletes would be training there,” sabi ni Fernandez kahapon. “It should start very soon. They are working on bringing in the boxers back.”
Maliban sa mga boxers, papasok din sa ‘bubble’ training sa Inspire Sports Academy ang mga taekwondo jins at karatekas.
Tanging sina pole vaulter Ernest John Obiena, gymnast Carlos Edriel Yulo at boxers Eumir Felix Marcial at Irish Magno ang may Olympic berth.
Nang magkaroon ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic noong Marso ay pinauwi ng PSC ang mga national athletes sa kani-kanilang mga probinsya.
Hanggang sa kasalukuyan ay wala pang ‘green light’ ang IATF para sa pagbabalik-ensayo ng mga atleta sa mga training venues sa Rizal Memorial Sports Complex sa Vito Cruz, Manila at Philsports Complex sa Pasig City.
- Latest