Ginebra, Phoenix ikakasa ang finals
MANILA, Philippines — Gusto na ng mga Gin Kings at Fuel Masters na tapusin ang kani-kanilang mga semifinals series habang iba naman ang layunin ng Bolts at Tropang Giga.
Sasagupain ng Barangay Ginebra ang Meralco ngayong alas-3:45 ng hapon at makikipagtuos ang Phoenix sa TNT Tropang Giga sa alas-6:30 ng gabi sa Game Four ng 2020 PBA Philippine Cup semifinal round sa Angeles University Foundation Gym sa Angeles, Pampanga.
Pinadapa ng Gin Kings ang Bolts sa Game Three, 91-84, noong Linggo para ilista ang 2-1 kalamangan sa kanilang best-of-five semis duel.
Ayon kay Ginebra head coach Tim Cone, hindi basta-basta isusuko ng Meralco ni mentor Norman Black ang serye.
“They got a great coach over there who’s also been through these kinds of wars and they got a young, hungry core that’s listening to him,” wika ni Cone.
Puntirya ng Gin Kings ang kanilang ika-27 PBA Finals stint na inaasahang pipigilan ng Bolts para makapuwersa ng Game Five.
“Simply put, we’re in a must-win situation,” sabi ni Black. “We must play better on both ends of the court and we must bring a high energy level.”
Samantala, determinado ang Fuel Masters na makapasok sa kanilang kauna-unahang PBA Finals appearance.
“If we can go to the finals, and inspire a lot of people, that’s where we’re headed,” sabi ni Phoenix bench tactician Topex Robinson matapos talunin ang TNT sa Game Three, 92-89, para sa kanilang 2-1 abante sa serye.
Para naman makahirit ng Game Five ay may adjustments na kailangang gawin si coach Bong Ravena sa Tropang Giga.
“Execution lang sa depensa at opensa sa endgame. We just have to get over that hump, finish the game,” ani Ravena. “Hindi porke’t nahabol namin, okay na. We have to finish the game.”
- Latest