Roach bilib sa lakas ng kamao ni Marcial
MANILA, Philippines — Abangan ang eksplosibong debut ni Tokyo Olympics qualifier Eumir Felix Marcial sa professional boxing.
Ito ang ipinagmalaki ni American trainer Freddie Roach na siyang tumututok kay Marcial sa training.
Bilib si Roach sa lakas ng kamao ni Marcial kaya’t walang duda na gagawa ito ng sariling pangalan sa oras na magsimula ang kanyang professional career.
Hanga rin si Roach sa dedikasyon ni Marcial sa pagsasanay na maihahalintulad sa magandang attitude ni eight-division world champion Manny Pacquiao noong nagsisimula pa lamang ito.
Kaya naman may nakikita na si Roach na susunod sa yapak ni Pacquiao sa mundo ng boksing.
“He sure is,” ani Roach sa panayam ng Press Box PR.
Mabilis na nakukuha ni Marcial ang mga itinuturo ni Roach na magiging armas nito sa kanyang mga laban gayundin sa pagsabak nito sa Olympic Games sa Tokyo, Japan sa susunod na taon.
“Eumir hits really hard. He’s a very slick southpaw and a pleasure to train. He has a good work ethic, he works his tail off, and he soaks in everything he is taught,” wika pa ni Roach.
Nagsisimula pa lamang si Marcial ngunit lubos na ang paghanga ni Roach.
Matapang ito. Malakas ang loob at matalino.
“Just a few days into camp, his brother passed away, and he decided to stay in camp instead of going back to the Philippines for the funeral,” ani Roach.
Maliban sa world title, inamin ni Marcial kay Roach na isa sa pangunahing layunin nito ay ang makuha ang kauna-unahang gintong medalya ng Pilipinas sa Olympics.
Kaya naman puspusan ang paghahanda nito sa kabila ng pagdadalamhati.
- Latest