^

PSN Palaro

Celtics angat na SA 2-0

Pilipino Star Ngayon
Celtics angat na SA 2-0
Umasinta ng tres si Celtics guard Marcus Smart laban sa Raptors

Nuggets sinibak ang Jazz sa 1st round

LAKE BUENA VISTA, Florida -- Itinarak ng Boston Celtics ang 2-0 bentahe matapos talunin ang nagdedepensang Toronto Raptors, 102-99, sa Game Two ng kanilang Eastern Conference semifinals series kahapon dito.

Nagsalpak si Marcus Smart ng 16 points, tampok ang limang three-pointers, sa loob ng tatlong minuto sa kaagahan ng fourth period para tumapos na may 19 points.

Pinamunuan ni Jayson Tatum ang Boston sa kanyang 34 points  habang may 17 at 16 markers sina Kemba Walker at Jaylen Brown, ayon sa pagkakasunod.

Bumangon ang Celtics mula sa 12-point deficit sa dulo ng third period para itala ang ikatlong sunod nilang panalo laban sa Raptors sa NBA restart bubble at 5-1 ngayong season.

Binanderahn ni OG Anunoby ang Toronto sa kanyang 20 points at may 19 markers ni Fred VanVleet, naimintis ang isang 28-footer sa pagtunog ng final buzzer.

Samantala, naikonekta ni center Nikola Jokic ang kanyang tiebreaking basket sa huling 27 segundo para itakas ang Denver Nuggets kontra sa Utah Jazz, 80-78, sa Game Seven ng kanilang Western Confe­rence first-round playoff series.

Isinara ng No. 3 Nuggets ang kanilang duwelo ng Jazz sa 4-3 para harapin ang second-seeded Los Angeles Clippers sa semifinals series.

Ang Denver ang naging ika-12 koponan sa NBA history na nakabawi mula sa 1-3 pagkakabaon at ipanalo ang serye.

Tumapos si Jokic ng 30 points at 14 rebounds para sa Nuggets  at may 17 markers si Jamal Murray.

BOSTON CELTICS

TORONTO RAPTORS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with