Parker, Brogdon umaasang makakasama sa NBA restart season
Matapos magpositibo sa COVID-19
INDIANAPOLIS -- Kapwa ibinunyag nina Indiana Pacers point guard Malcolm Brogdon at Sacramento Kings forward Jabari Parker na nagpositibo sila sa coronavirus disease (COVID-19).
Naniniwala sina Brogdon at Parker na makakasama sila ng kanilang mga koponan sa restart season ng NBA sa Disney World sa Orlando, Florida sa susunod na buwan.
“I recently tested positive for the COVID virus and am currently in quarantine,” ani Brogdon sa kanyang statement. “I’m doing well, feeling well and progressing well. I plan to join my teammates in Orlando for the resumption of the NBA season and playoffs.”
Naging aktibo si Brogdon sa pagsusulong ng racial at social justice sapul nang masuspindi ang NBA 2019-2020 season noong Marso 11.
Na-trade si Brogdon sa Pacers mula sa Milwaukee Bucks bago ang pagsisimula ng season at nagtala ng mga averages na 16.3 points, 7.1 assists at 4.7 rebounds per game.
Kagaya ni Brogdon, bumubuti na rin ang pakiramdam ni Parker.
“Several days ago I tested positive for COVID-19 and immediately self-isolated in Chicago which is where I remain,” ani Parker. “I am progressing in my recovery and feeling well. I look forward to joining my teammates in Orlando as we return to the court for the resumption of the NBA season.”
Nakatakdang dumating ang 22 teams sa Disney sa unang linggo ng Hulyo para sa quarantine at training camp bago simulan ang restart season.
- Latest