^

PSN Palaro

SMB sisimulan ang kampanya

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ipaparada ng San Mi­guel ang mga bagong hu­­got na sina shooting guard Juami Tiongson at for­ward Andreas Cahilig sa pagharap sa Phoenix sa Season 49 PBA Commissioner’s Cup.

Sasagupain ng Beermen ang Fuel Masters nga­yong alas-7:30 ng gabi sa Ninoy Aquino Stadium sa Malate, Manila.

Nahugot ng SMB sina Tiongson at Cahilig mula sa Terrafirma kapalit nina Terrence Romeo at Vic Ma­nuel.

Isasalang din ng Beermen si balik-import Quincy Miller na unang naglaro para sa Converge Fiber­Xers noong 2022 at sa TNT Tropang Giga noong 2023.

Itatapat ng Fuel Masters si import Donovan Smith para makasampa sa win column matapos ang 0-2 panimula sa torneo.

Minalas ang Phoenix sa guest team Hong Kong Eastern, 87-102, at sa Me­ralco, 109-111.

Sa unang laro sa alas-5 ng hapon ay maglalaban ang Dyip at NLEX Road Warriors.

Pakay ng NLEX ang ika­lawang sunod na panalo sa tatlong laro makaraan ang 107-95 pagbasag sa Blackwater.

Bagsak ang Ter­rafirma sa 0-2 marka mula sa mga pagkatalo sa NorthPort at Con­verge.

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with