E-sports ikinukunsidera ng NCAA sa Season 96
MANILA, Philippines — Sa unang pagkakataon sa kanilang kasaysayan ay ikukunsidera ng NCAA ang pagdaraos ng ilang e-games o e-sports bilang isa sa mga “extra-ordinary measures” ng kanilang gagawin para sa Season 96.
Ito, ayon kay Fr. Vic Calvo, OP, ng Season 96 host Letran, ay kung papayagan silang magbukas ng season na naantala dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic.
Kabilang sa mga online games na ikinukunsiderang isama sa league calendar ay ang NBA 2k (basketball) at Mobile Legends.
“We’re seriously considering holding e-games or e-sports should and when we be allowed to open the NCAA this season,” wika ni Calvo. “It is best for everyone because it is safer for our athletes as well as for everyone.”
Maaari ring ikunsidera ng NCAA ang online chess na isinagawa ng ilang grupo sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Naitampok na ang e-sports sa nakaraang 2019 Southeast Asian Games na pinamahalaan ng bansa kung saan kumuha ang mga Pinoy e-gamers ng tatlong gold, isang silver at isang bronze medal.
Samantala, tanging ang basketball, volleyball, track and field at swimming ang iniisip ng NCAA na idaos para sa Season 96.
- Latest