Miocic inaalala ang mga kapwa fighters at fans
Sa pagbabalik ng ufc sa mayo 9
CLEVELAND -- Tinatanggap ni heavyweight champion Stipe Miocic ang plano ng UFC na muling buksan ang labanan sa octagon.
Ngunit mayroon lamang siyang iba pang iniisip.
“As long as everyone is safe, I hope it works out,” wika kahapon ni Miocic, nagtatrabaho rin bilang isang firefighter at paramedic nang mangyari ang coronavirus disease (COVID-19) outbreak. “And not just the fighters, I worry about everyone’s safety. It takes one person to (infect) three people, and how fast it can spread, it’s crazy.”
Matapos ibasura ang panukalang gawin ang mga laban sa isang tribal land sa California at kanselahin o ipagpaliban ang ibang events dahil sa COVID-19 pandemic ay inihayag ng UFC ang kanilang pagbabalik sa Mayo 9 sa Jacksonville, Florida.
Ngunit ayon kay UFC president Dana White, ang UFC 249 ay gagawin na walang manonood na fans sa VyStar Veterans Memorial Arena pati na sa dalawang additional fight cards sa Mayo 13 at Mayo 16 sa parehong venue.
Muling napasakamay ni Miocic ang kanyang title belt noong Agosto nang talunin si Daniel Cormier sa UFC 241.
Sinabi ng 37-anyos na UFC heavyweight king na bumubuti na ang kanyang kondisyon matapos sumailalim sa surgery para ayusin ang kanyang torn retina.
- Latest