MPBL tatapusin ang Lakan Season
MANILA, Philippines — Itutuloy ng Maharlika Pilipinas Basketball League Lakan Season ang kanilang naantalang division at national finals.
Ito ang tiniyak kahapon ni MPBL Commissioner Kenneth Duremdes sa gitna ng ispekulasyon na kakanselahin ng liga ang natitira nilang mga laro sa third season dahil sa COVID-19 pandemic.
“We’re going to finish the season, wika ni Duremdes, kasalukuyang nasa kanyang tahanan sa Koronadal, South Cotabato. “We’re just waiting for the clearance of the national government.”
Nakatakdang magdesisyon si Pangulong Rodrigo Duterte kung aalisin o palalawigin pa ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Luzon na nakatakdang magtapos sa Abril 30.
Ayon kay Duremdes, marami pang isyu na dapat pag-usapan bago ibalik ang aksyon ng MPBL.
“First, we need to advice the four teams (San Juan Knights, Makati Super Crunch, Davao Occidental Tigers, Basilan Steel) involved since they are all coming from inactivity and the players need to get back in shape,” sabi ni Duremdes. “Then we need to consider the stand of the LGUs (local government units).
Ang iba pang dapat ikunsidera, ayon kay Duremdes, ay ang land travel, pagbabalik ng mga domestic flights, sea travel at ang availability ng mga hotels, restaurants at game venues.
Parehong nagtabla sa 1-1 ang South division finals ng San Juan at Makati at ang North division finals ng Davao at Basilan na napuwersa sa Game 3 deciders.
- Latest