Nagdadalumhati ang Perpetualite Altas sa pagpanaw ni Tatay Coach Aric
MANILA, Philippines — Bagama’t tatlong taon lamang nahawakan ni coach Aric del Rosario ang Perpetual Altas sa kampanya sa National Collegiate Athletics Association (NCAA) ay malaki ang naitulong niya sa eskuwelahan.
Sa kanyang pamamahala ay naipasok ni Del Rosario, pumanaw kamakailan dahil sa atake sa puso, ang mga Altas sa Final Four.
Sinabi ni Dr./ BGen Antonio ‘Tony’ L. Tamayo, ang chairman at CEO ng University of Perpetual Help System DALTA, na hindi niya malilimutan si Del Roario.
“Sa ngalan ng lahat ng Perpetualites, nais kong palawigin ang aking taos-pusong pagpapasalamat sa naulilang pamilya ng aking dating teammate sa high school basketball sa UST,” ani Tamayo. “Hindi ko malilimutan ang oras kung kailan mo tinanggap ang hamon na hawakan ang aking basketball.”
“Labis akong nalulungkot na hindi ko kayang ibigay ang aking pagdalaw para magbigay ng respeto sa aking mahal na kaibigan dahil sa umiiral na Enhanced Community Quarantine. Ngunit ang aking mga dalangin, sampu ng aking pamilya ay para sa iyo. Paalam at sana magpahinga ka sa kapayapaan, “ dagdag pa ni Tamayo.
Kay Del Rossrio nanggaling ang ‘battlecry’ na “We Stay Together” ng Altas sa NCAA.
Ang mga dating manlalaro, coach at kaibigan ni Del Rosario sa Perpetual Help ay nag-aalok din ng kanilang pakikiramay sa kanyang pamilya.
“Hindi lang siya coach kundi maging ama sa amin. Salamat sa lahat, mananatili kang walang hanggan sa puso ko. Mahal ko si Coach Tatay Aric,” sabi ni Gumaca, Quezon Councilor GJ Ylagan ng Muntinlupa Cagers (MPBL) at dating Altas player.
“Ang Perpetual ALTAs ay magpakailanman magpasalamat sa iyo Coach Aric. Pinahahalagahan namin ang iyong nagawa para sa aming unibersidad. Ito ay dahil sa iyong pasensya at pagtitiyaga na ang Perpe-tual Help ay muling nakilala bilang isang koponan upang talunin sa liga ng NCAA,” wika naman ni Altas team manager Anton Tamayo.
- Latest