^

PSN Palaro

Lady Chiefs amoy na ang twice-to-beat

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Lady Chiefs amoy na ang twice-to-beat
Nilaglagan ng bola ni Ninz Suico (14) ng Perpetual Lady Altas si Kath dela Cruz (5) ng Letran Lady Knights sa aksyong ito sa NCAA Season 95 women’s volleyball.

MANILA, Philippines — Inilabas ng nagdedepensang Arellano University ang bagsik nito para iselyo ang 25-15, 25-14, 25-20 demolisyon kontra Emilio Aguinaldo College upang lumakas pa ang pag-asa nito sa twice-to-beat sa NCAA Season 95 women’s volleyball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Nagpahinga si two-time Finals MVP at leading MVP candidate Regine Arocha ngunit hindi ito naging hadlang para makuha ng Lady Chiefs ang ikapitong pa­nalo sa walong pagsalang at tumatag ang kapit sa ikalawang puwesto.

Sumandal ang Arellano kay Carla Donato na bu­manat ng 12 puntos mula sa 11 attacks at isang block habang katulong nito si reig­ning MVP Necole Ebuen na nagtala ng 11 hits.

Nag-ambag sina Nicole Sasuman ng pitong puntos at Princess Bello ng anim na puntos at 12 digs.

Sa ikalawang laro, tuluyan nang naglaho ang pag-asa ng University of Perpetual Help System Dalta sa twice-to-beat card matapos yumuko sa Colegio de San Juan de Letran, 22-25, 21-25, 25-18, 25-16, 15-17.

Samantala, kanselado na rin ang lahat ng laro sa seniors division ng NCAA Season 95 dahil sa coronavirus outbreak.

Pormal nang naglabas ng anunsyo ang NCAA Management Committee bilang tugon sa pa­nawagan ng Department of Health, Department of Education at Commission on Higher Education na kanselahin muna ang mga aktibidad sa mga paaralan kabilang na ang mga spor­ting events.

“NCAA is temporarily suspending the games for seniors division starting 14 February 2020 as a precautionary measure on the COVID 2019,” ani NCAA ManCom chairman Peter Cayco ng season host Arellano University sa isang statement.

vuukle comment

NCAA SEASON 95

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with