^

PSN Palaro

Kontra Kimura Sabillo KO ang target

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Target ni dating world champion Merlito Sabillo na maitarak ang matamis na knockout win laban kay Japanese fighter Sho Kimura sa “Deadly Combination” boxing card sa Sabado sa Manila Arena sa Sta. Ana, Manila.

Nais ni Sabillo na makabalik sa porma matapos lumasap ng masaklap na kabiguan sa kamay ng kababayang si Edward Heno at Chinese bet Jing Xiang sa kanyang huling dalawang laban noong 2018.

Aminado si Sabillo na hindi ito magiging madali dahil matikas at malalim din ang karanasan ni Kimura.

“Mabigat din talaga yung kalaban (Kimura) pero gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para manalo. Kung pwede knockout, gagawin ko,” ani Sabillo sa Usapang Sports ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) sa National Press Club.

Kaya naman ibubuhos ni Sabillo ang lahat upang muling paningningin ang kanyang pangalan.

Uhaw din sa panalo si Kimura na nahubaran ng WBO light flyweight title noong nakaraang taon.

“I come here to win,” sambit ni Kimura sa tulong ng interpreter.

vuukle comment

MERLITO SABILLO

SHO KIMURA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with