^

PSN Palaro

Enkhmend wagi ng MOS sa Tokyo tilt 8 ginto sa Philippine B.E.S.T tankers

Beth Repizo-Meraña - Pilipino Star Ngayon
Enkhmend wagi ng MOS sa Tokyo tilt 8 ginto sa Philippine B.E.S.T tankers
Pinangunahan ni Enkhmend Enkmend ang mga gold medalists sa katatapos lang na 2020 Tokyo Swimming Winter Championships sa Tokyo, Japan.

MANILA, Philippines — Umani ng kabuuang 18 medalya tampok ang walong ginto ang Philippine B.E.S.T (Behrouz Elite Swim Team) junior squad sa kanilang pagsabak sa katatapos lang na 2020 Tokyo Swimming Winter Championships sa St. Mary’s International School sa Setagaya, Tokyo, Japan.

Rumatsada ang Cambodia-based Filipino swimmer na si Enkhmend Enkmend ng tatlong gintong medalya para sa B.E.S.T team habang nag-uwi naman ng dalawang ginto si Brendan Viñas at tig-isang gintong medalya sina JahZeel Rosario, Dawn Martina Camacho at Ashley Anne Alvarez sa natu­rang kumpetisyon.

Nagpakita ang Pinoy tankers ng kanilang husay kontra sa mahigit 15 clubs at school teams na sumali sa nasabing swimming event para higitan pa ang kanilang inaasahan.

Dinomina ng 10-anyos na si Enkhmend ang boys 9-10 class 100m breaststroke sa oras na 1:33.75 segundo laban sa mga Japanese swimmers na sina Kenjiro Koya (1:39.34) at Sho Sendai (1:41.49).

Hindi rin nagpahuli ang Grade 6 student ng Panyathip International School sa Cambodia na si Enkmend sa 200-m IM (3:05.88) kontra kina Kenjiro Koya (3:10.41) at Zen Twohig (3:16.70) at itinakas pa rin ang ginto sa 50-m breaststroke para kumpletuhin ang three-meet duel sweep laban kay Koya.

Inagaw ni Enkhmend ang Most Outstanding Swimmer award sa boys 9-10 category habang si Viñas ay naghari sa boys 11-12 class 100-meter butterfly at 50-meter butterfly at bronze sa 100-m breaststroke.

Inangkin naman ni Rosario na isang Grade 8 student ng Bristol Integrated School ang ginto sa 100-m breaststroke boys 13-14 class (1:17.14) kontra sa kambal niyang si Jah-Leel (1:26.60) at Amerikanong si Gray West (1:21.93).

Si Camacho ay Reyna sa girls 11-12 100 butterfly at nakakuha pa ng silver medal sa 50 butterfly habang nangunguna si Alvarez sa girls 12-13 class 200 butterfly.

“It’s a huge effort on the part of our young swimmers with the strict guidance of coach Rossbenor Antay and Johnson Maulion as well as delegation head Marilet Basa. We are so very proud,” sabi ni team manager Joan Mojdeh.

Ang Philippine B.E.S.T Team ay affiliated sa Philippine Swimming Inc. (PSI) at suportado ng Behrouz Persian Cuisine, sa pakikipagtulungan ng Filipino-Japanese Community na pinamumunuan ni Myles Briones-Beltran at ‘Mama Aki’ Marilyn Mabansag Yokokoj ng Ihawan Shinjuku.

PHILIPPINE B.E.S.T

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with