Barnachea paborito pa rin sa LBC Ronda
MANILA, Philippines — Mahigit 88 siklista sa pangunguna ng nagba-balik na kampeon na si Santy Barnachea, Reimon Lapaza at Mark Galedo ang mag-aagawan sa P1 milyon top prize ng 2020 LBC Ronda Pilipinas 10th anniversary mula Pebrero 23 hanggang Marso 4.
Magsisimula ang karera sa Sorsogon at matatapos sa Vigan, Ilocos Sur kung saan paborito pa ring magwagi ang 43-anyos na si Barnachea, ang kampeon sa inaugural race noong 2011 at ika-limang edisyon noong 2015.
Dadalhin ni Barnachea ang koponan ng Scratch It habang si Lapaza, ang hari noong 2014 ay suot ang uniporme ng Celeste Cycles PH-Devel Project Pro Team at si Galedo naman ang 2012 winner, lalahok para sa 7Eleven Cliqq-Air21 by Roadbike Philippines.
Makakaharap nila ang 2018 champion na si Ronald Oranza at 2016 at 2017 title-holder Jan Paul Morales na pangungunahan ang Standard Insurance (Navy) team kabilang sina El Joshua Carino, George Oconer, Ronald Lomotos at John Mark Camingao.
Sinabi ni Ronda Pilipinas chairman Moe Chulani na sa taong ito nagdesisyon sila na ang karera ay gagawin lamang na eksklusibo para sa mga Filipino riders hindi kagaya noong nakaraang taon na ginawa bilang five-stage UCI-sanctioned race.
- Latest