Zamboanga, Basilan hindi matinag sa puwesto
![Zamboanga, Basilan hindi matinag sa puwesto](https://media.philstar.com/photos/2020/02/01/basilan_2020-02-01_19-05-44.jpg)
MANILA, Philippines — Mas uminit pa ang agawan sa No. 3 at No. 4 slots sa Southern Division matapos magwagi ang Zamboanga Family Sardines at Basilan Steel sa 2019-2020 Maharlika Pilipinas Basketball League-Chooks-to-Go Lakan Cup sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
Sinorpresa ng Zamboanga ang league leader na San Juan Knights, 69-64, upang umangat sa ikaapat na puwesto kasama ang Iloilo United Royals sa parehong 18-11 kartada sa South group.
Hindi naman nagpahuli ang Basilan Steel makaraang pataubin ang Pasay Voyagers, 74-69, para manatili sa ikatlong puwesto sa hawak na 19-10 marka.
Ginamit ng Zamboanga ang matibay na depensa patungo sa panalo kontra sa Knights, nanatili pa ring hawak ang top spot sa Northern Division sa 24-4 record.
Ngunit kahit natalo ay nanatili pa rin ang Voyagers sa 8th spot sa 16-13 sa South at kailangan nilang magwagi kontra sa Mindoro Tamaraws sa Martes sa Cuneta Astrodome para makapasok sa eight-team quarterfinal round.
Tinambakan ng Pasig-Sta. Lucia Realtors ang Valenzuela Classics, 90-72.
- Latest