^

PSN Palaro

UAAP Season 82: Blue Eagles umukit ng kasaysayan sa pagsikwat ng kampeonato

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
UAAP Season 82: Blue Eagles umukit ng kasaysayan sa pagsikwat ng kampeonato
Ang UAAP Season 82 champion Ateneo Blue Eagles

MANILA, Philippines — Ang taong 2019 na isang Year of the Earth Pig sa Chinese Zodiac ay isa ring Year of the ‘Blue E­agles’ matapos ang historic sweet 16-game sweep ng Katipunan-based Ateneo sa Season 82 UAAP men’s basketball tournament.

Makaraang ma-sweep ang double-round elimination sa kanilang 14-game record, tuluyang inangkin ng Blue Eagles ang kanilang ikatlong sunod na titulo pagkaraang walisin ang University of Santo Tomas Growling Tigers, 2-0, sa best-of-three Finals series.

Naging makasaysayan ang pagsungkit sa kanilang ika-11th overall crown sa UAAP dahil ito na rin ang ikalawang three-peat ng Ateneo kabilang na ang five-peat mula 2008 hanggang 2013.

Higit sa lahat ang Blue Eagles pa lamang ang u­nang koponan na na­ka­gawa ng 16-game sweep simula ng mag-umpisa ang Final Four noong 1994 kaya para kay head coach Tab Baldwin mas matamis ang kanilang tagumpay kung ikukumpara sa nakalipas na dalawang taon.

“Sixteen and 0 season. It really is something that we dreamed about. We didn’t talk a lot about it because we never wanted to set that as a goal.  But I know that the players particularly dreamed about it and it is a dream season to go through. Unble­mished and to be able to say that each one of those 16 games no team was better than us,” pahayag ni Baldwin.

Bago ang Final Four era, winalis din ng UST Growling Tigers ang elimination round, 14-0, noong 1993 ngunit sa panahong ‘yun ang patakaran ng liga ay ang sweeping team ay agad ideklara na champion pagkatapos ng double-round elimination kaya wala ng semis at finals.

Sinundan din ng University of the East Red Warriors ang 14-game sweep sa elimination round noong 2007.

Ngunit, winalis din ng De La Salle Green Archers ang UE, 2-0, sa Finals series kaya nabalewala ang sweep na ‘yun.

Kaya ang Ateneo pa lamang ang una at tanging koponan sa loob ng mahigit walong dekada ng UAAP na hindi nakatikim ng talo sa buong 16 na laro sa isang season.

Bukod sa tatlong sunod na kampeonato at 16-game sweep, ang beterano at graduating na si Thirdy Ravena ang nag-iisang manlalaro sa UAAP na nag-uwi ng tatlong sunod na Finals MVP.

“Thirdy is an incredible competitor. He’s a fighter.  He’s emotional and because of that, he can go the wrong way as easily as he can go the right way. Fortunately for us, he goes the right way a lot,” sabi ni coach Baldwin ukol sa 23-anyos na si Ravena.

Ang 6’3 swingman na pro-bound ay nag-poste ng 24.5 puntos sa mataas na 55 porsyento sa shooting na may kasamang anim na rebounds at apat na assists kada laro sa huli niyang season sa collegiate league.

Malaki ring pasasa­la­mat ni coach Baldwin sa kanyang manlalaro sa kanilang sakripisyo at oras na ibinuhos para sa tagumpay ng Blue Eagles.

BLUE EAGLES

EARTH PIG

UAAP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with