^

PSN Palaro

Cebu humirit pa ng tsansa sa playoff

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umarangkada ang Cebu City Sharks ng 10-0 run sa krusyal stretch upang pataubin ang Ge­neral Santos Warriors, 72-66, para panatilihing buhay ang pag-asang makapasok sa playoff round sa pagpapatuloy ng Chooks to Go-Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Lakan Cup sa Southwes­tern University Aznar Coliseum sa Cebu City.

Naibaba ng Warriors ang agwat sa dalawang puntos lamang, 61-63, ngunit bumulusok ang Cebu Sharks na sunud-sunod na puntos, anim nito mula kay Rhaffy Oktobre upang palawakin ang home win sa malinis na 5-0 record.

Tumapos ang PBA draftee na si William Mcaloney ng 19 puntos, 15 rebounds at dalawang blocks habang si Kraniel Viloria ay umani ng 16 puntos, anim na assists at tatlong steals para iangat ang Sharks sa ika-sampung puwesto at manatiling buhay ang asam na playoff slot sa 10-12 win-loss kartada sa Southern Division.

 Sa iba pang laro, tinam­bakan ng Bacoor Strikers ang Makati Super Crunch, 86-63, upang palakasin ang hawak sa ikalawang puwesto sa South group.

Umani si Michael Canete ng  18 puntos at siyam na rebounds habang 14 naman mula kay Michael Mabulac  para sa Strikers.

CEBU CITY SHARKS

GE­NERAL SANTOS WARRIORS

MPBL LAKAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with