^

PSN Palaro

Pacio itataya ang korona laban sa Brazilian

Pilipino Star Ngayon
Pacio itataya ang korona laban sa Brazilian
Si Joshua ‘The Passion’ Pacio sa huli niyang laban sa ONE Championship.
File Photo

MANILA, Philippines — Itataya ni strawweight champion Joshua “The Passion” Pacio ang kanyang korona laban kay Brazilian challenger Alex “Little Rock” Silva sa ONE: Fire & Fury sa Mall of Asia Arena Enero 31, 2020.

Nakamit ng 23-anyos na pambato ng Baguio City ang strawweight belt matapos kunin ang unanimous decision victory kontra kay Japanese veteran Yoshitaka Naito noong Setyembre ng 2018.

Ngunit matapos ang ilang buwan ay naisuko niya ang korona kay Japanese warrior Shooto world titlist Yosuke Saruta sa una niyang title.

Niresbakan naman ni Pacio si Saruta para mabawi ang ONE championship crown kasunod ang matagumpay niyang pagtatanggol laban sa kababayang si Rene Catalan via second-round submission.

Sa pagsagupa kay Silva, dating ONE strawweight titlist, ay aminado si Pacio na mahihirapan siyang talunin ang Brazilian.

Nagmula si Silva sa mga submission victories kontra kina Stefer Rahar­dian at Peng Xue Wen.

Samantala, lalaban naman sa nasabing fight card sina dating ONE lightweight king Eduard “Landslide” Folayang kontra kay Ahmed “The Wolverine” Mujtaba ng Pakistan.

Lalabanan naman ni dating ONE title challenger Danny “The King” Kingad si “The Hunter” Xie Wei ng China.

Naipanalo ni Kingad ang anim sa huli nilang pitong laban.

Makakatapat naman ni Lito “Thunder Kid” Adiwang si Pongsiri “The Smiling Assassin” Mitsatit ng Thailand sa isa pang laban.

ONE: FIRE & FURY

PACIO

THE PASSION”

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with