^

PSN Palaro

SPIA kinilala ang Philippines bilang best SEAG organizers

Pilipino Star Ngayon
SPIA kinilala ang Philippines bilang best SEAG organizers
Pinasalamatan ang Sports Industry Awards SPIA nang itanghal na Best SEAG Organizer ang Pilipinas sa kasalukuyang idinaraos na 30th Southeast Asian Games sa bansa kung saan ang parangal ay ginanap sa SPIA confe­rence noong Disyembre 3 sa Grand Hyatt Manila. Panauhin si Speaker Alan Peter Cayetano kasama sina CEO of SPIA Eric Gottschack, Rep. Abraham Tolentino (POC Chair), PHISGOC COO Ramon Suzara, International Football Legend Ronaldo Nazario at USA Track and Field Olympian Dr. Edwin Moses. Ang SPIA Asia awards ang naging most credible awards platform sa Asya.

MANILA, Philippines — Kinilala ng Sports Industry Awards Asia ang Philippine Southeast Asia Games Organizing Committee (Phisgoc) dahil sa matagumpay nitong pag-oorganisa sa pinakamatagumpay na edisyon ng SEA Games.

Pinahalagahan ng SPIA Asia ang ginawang world class opening ceremonies ng Phisgoc pati na ang pag-oorganisa sa 56 sports at 530 events.

Personal na ibinigay ni SPIA CEO Eric Gottschalk ang award kina Phisgoc chairman Alan Peter Ca­yetano at Chief Operating Officer Ramon Suzara sa Grand Hyatt Hotel.

Pinasalamatan ni Suzara ang SPIA at sinabing ang nasabing rekognisyon ang kanilang magiging ins­pirasyon para lalo pang pagbutihin ang trabaho nila sa mga susunod na araw ng biennial meet.

Ang SPIA Asia Awards ang naging most credible awards platform sa Asya dahil sa kanilang pag-focus sa pagpapahalaga at pagdiriwang sa tagumpay ng Asian Sports Industry sa nakalipas na mga taon.

Bilang nangungunang sports business confe­rence at awards platform, kinikilala ng SPIA  Asia ang Asia’s Top 10 sa 25 distinct awards categories.

Kasama rito ang Asia’s Best Sportsman at Asia’s Best Sports Woman ca­tegory na may Gold, Silver at Bronze award para sa mga best performers.

ERIC GOTTSCHALK

SPIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with