^

PSN Palaro

BEST-Philippine tankers lumangoy ng apat na golds sa Bangkok meet

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
BEST-Philippine tankers lumangoy ng apat na golds sa Bangkok meet
Sina BEST-Philippines gold medalists Ashby Jayce Canlas at Peter Cyrus Dean.
Chris Co

MANILA,Philippines — Umarangkada pa nang husto ang Behrouz Elite Swimming Team-Philippines (BEST-Philippines) matapos humakot ng apat na ginto, limang pilak at tatlong tanso sa pagpapatuloy ng 2019 HRH Princess Maha Chakri Sirindhorn’s Cup - 21st Royal Bangkok Invitational Swim Meet sa Royal Bangkok Sports Club sa Thailand.

Maningning sina Christ Jade Andal at Ashby Jayce Canlas na kumana ng tig-isang gintong medalya sa kani-kaniyang dibisyon.

Inilabas ni Andal ang kanyang buong puwersa sa huling sandali ng laban upang masiguro ang gintong medalya sa boys’ 15-over 100m breaststroke tangan ang impresibong isang minuto at 12.36 segundo.

Nasiguro naman ni Lance Argel Lotino ang 1-2 punch para sa Pilipinas makaraang angkinin ang pilak bunsod ng naitala niyang 1:14.58, habang pumangatlo lamang si Chinese tanker Chen Jie Min na naglista ng 1:15.18.

Hindi rin nagpahuli si Canlas nang maibulsa ang ginto sa boys’ 11-12 100m breaststroke sa kanyang 1:21.36 gahiblang panalo laban kay silver medalist Parker Pai Kai Shu ng Hong Kong (1:21.66) at bronze winner Yi Xuan ng China (1:22.44).

Pinamunuan din nina Andal at Canlas ang BEST-Philippines na makasiguro ng dalawang gintong medalya sa relay events.

Nakipagsanib-puwersa si Andal kina Lotino, Max Anthony Rosario at Ivan Rado­van sa pagkopo ng ginto sa boys’ 15-over 200m medley relay, habang nakasama ni Canlas sina Peter Cyrus Dean, Zajeed Sarmiento at Julian De Kam sa pagsungkit ng ginto sa boys’ 11-12 200m medley relay.

Matapos angkinin ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa opening day, nagkasya si Dean sa dalawang pilak sa boys’ 11-12 100m butterfly at 50m backstroke.

Pinagharian ni Dean ang 100m freestyle event noong Sabado.

Nakapilak din ang boys’ 13-14 200m medley relay nina Alexander Marasigan, Jah Leel Rosario, Jah Zeel Rosario at John Harold Borneo at nag-ambag ng tanso sina Zajeed Sarmiento (100m butterfly) at Shaina Andal (50m breaststroke).

Galing ang dalawa pang tanso sa boys’ 9-10 200m medley relay nina Mohammad Behrouz Mojdeh, Richard Taggs, Veejay Virtucio at Gian Baello at sa boys’ 13-14 200m medley relay nina Janine Virrey, Danae Sarmiento, Shaina Andal at Iris Salagubang.

Sa kabuuan ay may limang ginto, siyam na pilak at limang tanso ang BEST-Phi­lippines sa torneong nilahukan ng mahigit 800 tankers mula sa 30 foreign teams.

“We have already reached our medal target which is to win at least five gold medals. But we’re not yet done, we are hoping to win more in the final day of the competition,” pahayag ni head coach Virgie De Luna.

SWIMMING TEAM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with