^

PSN Palaro

Stags, Knights laglagan

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
Stags, Knights laglagan
Winalis ng three-peat champion San Beda Red Lions ang double-round elimination via sweep kaya dumiretso na sila sa best-of-three Finals habang ang No. 3 Letran at No. 4 San Sebastian ay maglalaban sa unang playoff at ang magwawagi ay haharap sa No. 2 Lyceum Pirates sa ikalawang playoff round.

MANILA, Philippines — Magtatagpo ang No. 3 seed Letran Knights at No. 4 seed San Sebastian Stags sa unang playoff round ng stepladder semis ngayon sa Season 95 NCAA basketball tournament sa Cuneta Astrodome ng Pasay City.

Haharapin ng Knights ang Stags sa alas-4 ng hapon habang sa juniors division magtatagisan naman ng husay ang top seed San Beda Red Cubs at No. 4 CSB-LSGH Greenies sa alas-10 ng umaga at susundan ng pagtutuos ng Lyceum Junior Pirates at San Sebastian Staglets sa ikalawang semifinal match sa ala-1 ng hapon.

Winalis ng three-peat champion San Beda Red Lions ang double-round elimination via sweep kaya dumiretso na sila sa best-of-three Finals habang ang No. 3 Letran at No. 4 San Sebastian ay maglalaban sa unang playoff at ang magwawagi ay haharap sa No. 2 Lyceum Pirates sa ikalawang playoff round.

Tumapos naman ang Letran sa elims bilang No. 3 seed sa 12-6 win-loss slate at pang-apat ang San Sebastian sa 11-7 slate habang No. 2 seed ang Lyceum sa 13-5 record sa likuran ng Red Lions na hawak ang malinis na 18-0 card.

Patas lamang ang tsansa ng Knights at Stags sa kanilang paghaharap dahil 1-1 sila sa dalawang beses na pagtatagpo sa elimination kung saan nagwagi ang San Sebastian, 102-101 via overtime noong Agosto 20.

Bumawi naman ang Letran ni coach Bonnie Tan sa ikalawang paghaharap, 99-82 noong Setyembre 20 kaya ang dalawang koponan ay kapwa nagpahayag ng malaking tiwala na mapapalaban sa ikala­wang playoff round kontra sa Lyceum sa Biyernes sa parehong venue.

NCAA BASKETBALL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with