^

PSN Palaro

Pinoy paddlers sasagwan sa China

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakatakdang lumipad ngayong araw ang natio­nal dragonboat team patu­ngong Ningbo, China upang sumabak sa 2019 ICF Dragonboat World Cup

Ayon kay national head coach Lenlen Escollante, target ng Pinoy paddlers na makapagbigay ng magandang laban sa world meet na lalahukan ng matitikas na koponan mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Hangad din ng dra­gonboat team na maka­pag-ambag ng gintong me­dalya sa tangka ng Pilipinas na mahablot ang overall championship crown sa SEA Games.

Kaya naman magandang pambungad ang World Cup bago masilayan sa aksiyon ang koponan sa SEA Games na idaraos sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11 sa Maalawan Park sa Olongapo City.

“We are eyeing to win at least three of the six gold medals at stake. I’m glad that this World Cup came at least a month before the SEA Games. At least we can see where we are right now in terms of preparation and what are the areas we need to improve on as we head to the Southeast Asian Games,” ani Escollante.

Tinukoy ni Escollante ang 1,000-meter at 200-meter mixed standard boat events at ang 500-meter men’s four-seater event na may pinakamalakas na tsansa ang Pilipinas.

DRAGONBOAT WORLD CUP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with