^

PSN Palaro

Davao pinalambot ang Basilan Steel

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muling nagpasiklab si Mark Yee ng game-high 22 puntos upang iangat ang Davao Occidental Tigers sa 76-71 panalo kontra sa Basilan Steel noong Sabado sa pagpapatuloy ng 2019 Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Lakan Cup sa University of St. La Salle Gym sa Bacolod City.

Tumulong din ng limang rebounds, dalawang assist at isang steal si Yee upang masungkit ng Davao Occidental ang pang-13th panalo sa 15 laro at manatili sa top spot ng Southern Division.

Bukod kay Yee na nakalikom na ng kabuuang 29 double-double performance sa liga, tumipak din ng 13 puntos, apat na rebounds at isang steal si Emman Calo at 10 puntos na may kasamang dalawang rebounds at isang steal mula kay Chester Saldua para sa koponan ni Dumper Party List Rep Claudine Bautista na sinusuportahan din nina Cocolife President Jose Marti Loon, FVP Joseph Ronquillo, AVP Rowena Asnan at SVP Franze Joie Arsque.

Umiskor naman si Jerald Bautista ng 18 puntos at sinundan ng 14 puntos mula kay Jay Callado para sa Basilan Steel na nahulog sa solo fifth spot sa kanilang 9-6 record sa parehong Southern group.

Sa iba pang laro, su­mandal ang Bacolod Sardines nina Paolo Javelona at Cebuano star Mark Tallo upang payukuin ang S­occsksargen Marlins, 89-80.

2019 MAHARLIKA PILIPINAS BASKETBALL LEAGUE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with