^

PSN Palaro

Paalam sasagupa sa Hungarian

Chris Co - Agence France-Presse

MANILA, Philippines — Pasok agad sa second round si Carlo Paalam matapos makahirit ng opening-round bye sa 2019 AIBA World Boxing Championships sa Yekaterinburg, Russia.

Makakaharap ni Paalam sa susunod na yugto si Is­tavan Szaka ng Hungary sa Sabado sa men’s flyweight class (52 kgs.).

Sasalang din sina Southeast Asian Games champions Eumir Felix Marcial at John Marvin at sina Ian Clark Bautista at James Palicte sa kani-kanilang kategorya.

Nakatakdang sagupain ni Marcial si Bryan Angulo ng Ecuador sa first round ng men’s middleweight (75 kgs.) kagabi, habang aariba naman si Marvin kontra kay Pavilius Julevas ng Lithuania sa kanyang opening bout sa men’s light heavyweight (81 kgs.) ngayong araw.

Makakatipan naman ni Bautista si Viliam Tanko ng Slo­vakia sa first round ng men’s featherweight (57 kgs.) bu­kas sa torneong nilahukan ng mahigit 300 boxers mula sa 70 bansang miyembro ng AIBA.

Sisimulan ni Palicte ang kanyang kampanya kontra kay Jose Manuel Wafara ng Colombia sa men’s light wel­terweight (63 kgs.) sa Huwebes.

Target ng five-man national boxing team na malampa­san ang isang tansong medalyang nakamit noong 2015 AIBA World Boxing Championships sa Doha, Qatar.

Ang torneo ay isang qualifying event para sa 2020 Olympic Games sa Tokyo, Japan at umaasa ang Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) na ma­kahirit na kaagad ng puwesto.

2019 AIBA WORLD BOXING CHAMPIONSHIP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with