^

PSN Palaro

Black Mamba lumakas ang tsansa sa playoffs

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sinabon ng husto ng Black Mamba ang Hyperwash sa bisa ng 91-83 desisyon para makadikit sa playoff spot sa 2019 PBA D-League Foundation Cup kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Pinangunahan ni Bobby Balucanag ang balanseng atake ng Energy Drink matapos tumipa ng 21 puntos mula sa perpektong 10-of-10 field goal shooting kasama pa ang siyam na rebounds.

Nakagawa naman si Jett Vidal ng 14 points, apat na rebounds at tatlong assists habang nagrehistro si Kim Medina ng 13 points gayundin si PJ Barua na nagdagdag naman ng 12 markers para sa Black Mamba na sumulong sa ikatlong puwesto sa Group B tangan ang 3-1 baraha

“Sabi ko nga, we’ll try to win this game to be close sa playoff spot. At 3-1, I think we’re safe already,” ani Black Mamba head coach Vis Valencia.

Dikit ang iskor sa 79-76 nang makuha ng Black Mamba ang momento sa payoff period matapos pa-kawalan ang 12-5 atake na tinuldukan ng free throws ni Tayongtong para maitarak ang 91-81 abante sa hu­ling 1:17.

Sinubukang pumalag ng Hyperwash sa pangu­nguna ni JR Cawaling ngu-nit hindi ito sapat para mu-ling makabangon.

vuukle comment

BLACK MAMBA

PBA D-LEAGUE FOUNDATION CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with