^

PSN Palaro

Lions, Blazers itataya ang katatagan

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
Lions, Blazers itataya ang katatagan
Nailusot ni Perpetual Help rookie Jeff Egan ang depensa ni Mike Nzeusseu ng Lyceum sa huling laro ng Altas.

Laro Ngayon(FilOil Flying V Arena)

8 a.m. UPHSD vs SBU (Jrs)

10 a.m. JRU vs MU  (Jrs)

12nn UPHSD vs SBU (Srs)

2 p.m. JRU vs  MU (Srs)

4 p.m. CSB  vs  LPU (Srs)

6 p.m. CSB  vs LPU (Jrs)

MANILA, Philippines — Haharapin ng co-leader San Beda Red Lions ang Perpetual Help Altas habang itataya naman ng St. Benilde Blazers ang malinis na kartada kontra sa Lyceum Pirates ngayon sa pagpapatuloy ng Season 95 NCAA basketball tournament sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Paborito ang three-peat champion Red Lions na makopo ang pang-anim na sunod na panalo kontra sa Altas sa alas-12 ng tanghali  habang magtatagisan ang St. Benilde at Lycuem sa alas-4 ng hapon. Magtatagpo naman ang Mapua Cardinals (2-5) at  Jose Rizal Heavy Bombers (3-4) sa alas-2 ng hapon.

Sa juniors’ division, magtatagisan ng husay ang solo leader SBU Red  Cubs kontra sa Perpetual Help Altalettes sa alas-8 ng umaga at susundan ng laban ng Mapua Red Ro-bins at JRU Light Bombers sa alas-10 ng umaga. Sa huling laro, sasagupain ng CSB-LSGH Greenies ang Lyceum Junior Pirates sa alas-6 ng gabi.

Tanging ang Red Lions (5-0) at Blazers (5-0) na lamang ang wala pang talo sa kalagitnaan ng first round elimination kaya ang magwawagi sa magkahiwalay na laro ay mananatili sa top spot.

Malaki ang advantage ng Lions laban sa Altas dahil tangan nila ang momentum ng five-game streak habang ang Las Piñas-based ni coach Frankie Lim ay nasa solo seventh spot sa 2-4 record.

SEASON 95 NCAA BASKETBALL TOURNAMENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with