Chiefs sumuko sa Blazers
Laro sa Biyernes(FilOil Flying V Arena)
8 a.m. UPHSD vs SBU (Jrs)
10 a.m. JRU vs MU (Jrs)
12nn UPHSD vs SBU (Srs)
2 p.m. JRU vs MU (Srs)
4 p.m. CSB vs LPU (Srs)
6 p.m.- CSB vs LPU (Jrs)
MANILA, Philippines — Pinalawak ng St. Benilde Blazers ang winning streak sa lima nang patumbahin ang Arellano Chiefs, 82-77 kahapon upang muling umangat sa sosyohan sa liderato sa Season 95 NCAA basketball tournament sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.
Nagawa lamang ng Chiefs na dumikit sa first half, 35-34 ngunit nang simulan nina Cameroonian Clement Leutcheu, Robi Nayve, Yankie Haruna at Unique Naboa ang run-and-gun rampage tuluyan nang lumayo ang tropa ni coach TY Tang.
Umani si Leutcheu ng 13 puntos sa 5-of-7 shooting sa field goal na may kasamang pitong rebounds at tatlong assists upang saluhan sa top spot ang three-peat champion San Beda Red Lions sa parehong kartada (5-0).
Sa iba pang laro, nasungkit ng Mapua ang ikalawang sunod na panalo matapos padapain ang Emilio Aguinaldo, 76-66 para umakyat sa solo 8th spot sa 2-5 record. Ang EAC ay nabaon sa ilalim ng standing sa 1-6 slate.
Samantala sa Junior’s division, nilampaso ng Mapua Red Robins ang Emilio Aguinaldo Brigadiers, 83-68 habang nagwagi rin ang CSB-LSGH Greenies sa ArellanoBraves, 71-66.
- Latest