Muntinlupa dapa sa Cebu
MANILA, Philippines — Umarangkada si Patrick Jan Cabahug sa harap ng mga kababayan upang iangat ang Cebu City Sharks sa 79-62 panalo kontra sa Muntinlupa Cagers sa 2019 Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Lakandula Cup noong Sabado ng gabi sa Hoops Dome sa Lapu-Lapu City, Cebu.
Umani ang Cebuano-native na si Cabahug ng 26 puntos, pitong rebounds at dalawang assists para masungkit ng Sharks ang kanilang pang-apat na panalo sa siyam na laro at umakyat sa solo 9th spot sa Southern Division.
Sa kanilang talo, ang Muntinlupa ay nanatili sa 14th spot sa 3-7 win-loss kartada sa parehong Southern group.
Pinangunahan ni Cabahug ang 28-9 run ng Sharks sa ikatlong yugto upang umabante sa 62-50 mula sa 34-41 deficit sa first half.
Sa iba pang laro, inilampaso ng Pasig Pirates ang Parañaque Patriots, 100-87 para makopo ang pang-anim na panalo sa walong laro.
Nagtala ang Pasig ng panibagong league record sa three-point area matapos umukit ng 21 triples, siyam nito mula kay Jeric Teng at anim mula kay Angel Mendoza habang apat kay Nic Belasco at dalawa mula kay Robbie Manalang.
- Latest