^

PSN Palaro

Puerto Princesa titiyaking tagumpay ang hosting ng BP

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kumpara sa namahala sa mga nakaraang Batang Pinoy Finals, hindi prayoridad ng host Puerto Princesa City ang tangha­ling overall champion.

“Sa akin, hindi ako naghahabol ng (overall) championship. Ang tini­tingnan ko ay ‘yong health ng mga taga-Puerto Prin­cesa City,” sabi kahapon ni Mayor Lucio Bayron. “Hindi talaga ako cons­cious na mag-champion kami. Secondary na lang siguro iyon.”

Lumagda si Bayron sa isang Memorandum of Agreement kasama si Philippine Sports Commission Officer-in-Charge at Commissioner Celia Kiram para sa pagdaraos ng 2019 Batang Pinoy Finals.

Nakatakda ang nasabing taunang sports meet para sa mga batang may edad 15-anyos pababa sa Agosto 25-31 sa Puerto Princesa City, Palawan.

Sa pamamagitan ni Project Director at PSC Deputy Director Atty. Guil­lermo B. Iroy  Jr.  ay pinasa­lamatan ni PSC chairman William ‘Butch’ Ramirez si Bayron sa pagtanggap sa Batang Pinoy Finals bilang host province.

Kabuuang 31 sports events ang paglalabanan sa nasabing kompetisyon.

BATANG PINOY FINALS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with