^

PSN Palaro

UST, FEU dikit pa rin sa No. 3

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
UST, FEU dikit pa rin sa No. 3
Dahil sa kanilang pa­nalo, kapwa nakasiguro na ang Tigresses at Lady Tamaraws ng playoff para sa huling semifinal berth sa parehong 8-4 win-loss kartada at manatili sa third spot sa likuran ng Ateneo Lady Eagles (10-1) at three-peat champion De La Salle Lady Spikers (8-3).
facebook

MANILA, Philippines — Kapwa nanatili sa sosyuhan sa ikatlongf puwesto ang Far Eastern University  Lady Tamaraws at University of Santo Tomas Tigresses  matapos magwagi sa parehong straight sets sa magkahiwalay na laban kahapon sa Season 81 UAAP Volleyball Tournament sa FilOil Flying V Center sa San Juan City.

Muling pinadapa ng Tigresses ang University of the Philippines Lady Maroons, 25-21, 25-12, 26-24 habang tuluyan nang winakasan ng Lady Ta­maraws ang pag-asa ng National University Lady Bulldogs, 25-21, 25-19, 25-22 sa ibang laro.

Dahil sa kanilang pa­nalo, kapwa nakasiguro na ang  Tigresses at Lady Tamaraws ng playoff para sa huling semifinal berth sa parehong 8-4 win-loss kartada at manatili sa third spot sa likuran ng Ateneo Lady Eagles (10-1) at  three-peat champion De La  Salle Lady Spikers (8-3).

Samantala, sa men’s side, kinumpleto ng A­teneo Blue Eagles at Adamson Falcons ang Final Four cast matapos magwagi sa magkahiwalay na laban.

Nilampaso ng Blue Eagles ang UST Growling Tigers, 25-22, 25-17, 25-19 habang pinataob naman ng Soaring Falcons ang UE Red Warriors sa parehong straight sets, 27-25, 25-17, 25-15 upang umabante sa semis kasama ang nagdedepensang NU Bulldogs (10-1) at FEU Tamaraws (9-2).

FAR EASTERN UNIVERSITY

SANTO TOMAS

SEASON 81 UAAP VOLLEYBALL TOURNAMENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with