Lady Tams, Tigresses kakapit pa sa No. 3
Laro Ngayon(FilOil Flying V Center)
8 a.m. ADU vs UE (M)
10 a.m. UST vs ADMU (M)
2 p.m. NU vs FEU (W)
4 p.m. UST vs UP (W)
MANILA, Philippines — Haharapin ng FEU Lady Tamaraws ang NU Lady Bulldogs habang magtatagpo rin ang UST Tigresses at UP Lady Maroons ngayon sa pagpapatuloy ng Season 81 UAAP Volleyball Tournament sa FilOil Flying V Center sa San Juan City.
Magkasosyo ang Lady Tamaraws at Tigresses sa third spot sa parehong 7-4-win-loss kartada sa likuran ng nangungunang Ateneo Lady Eagles (10-1) at three-peat champion De La Salle Lady Spikers (8-3) habang kasunod naman ang University of the Philippines Lady Maroons sa solo fifth spot sa 6-5 slate.
Magtatagpo ang Tigresses at UP Lady Maroons sa alas-4 ng hapon pagkatapos ng paghaharap ng Lady Tamaraws at Lady Bulldogs sa alas-2 ng hapon.
Malakas ang tiwala ng Lady Tamaraws bunga ng kanilang 22-25, 25-19, 25-19, 25-12 panalo kontra sa NU sa first round noong Pebrero 16 kaya hangad ni FEU coach George Pascua na patunayan ang kanilang mastery sa mga mas batang Lady Bulldogs.
Sa kabilang banda, ang Lady Tamaraws ay galing sa 25-21, 19-25, 25-23, 25-22 panalo kontra sa UP Lady Maroons noong nakaraang Sabado habang ang Lady Bulldogs ay galing sa 14-25, 26-24, 17-25, 19-25 talo sa Ateneo noong Linggo.
Target ng Ateneo Blue Eagles (7-4) ang ika-8 panalo kontra sa UST Growling Tigers (4-7) sa alas-10 ng umaga at magtatagisan naman ng husay ang Adamson Soaring Falcons (7-4) at UE Red Warriors (2-9) sa alas-8 ng umaga sa men’s competition.
- Latest